Abante Tonite Interactive

Epidemic! Polio bumalik matapos ang 19 taon

391

Dineklara ng Department of Health (DOH) ang polio epidemic matapos na makapagtala ng isang kaso nito sa Lanao del Sur.

Ayon kay Health ­Secretary Francisco Duque III, idineklara ang epidemic ­matapos na magkaroon ng isang positibong kaso ng poliovirus sa Lanao del Sur at pagkatapos ng isinagawang environmental sample sa Maynila at Davao.

Nabatid na isang 3-anyos na batang babae sa Lanao del Sur ang nagpositibo sa poliovirus test at sa kabila ng maayos na kalagayan ito ay mayroon pa rin itong residual paralysis.

Nabatid na ito ang kauna-unahang kaso ng poliovirus sa bansa matapos na ­ideklarang polio-free ang Pilipinas noong ­Oktubre 2000. Ang ­huling kaso ng poliovirus sa bansa ay naitala noong 1993.

“The result of [the girl’s stool exam showed vaccine-derive poliovirus (VDPV) type 2, and the child was ­unvaccinated against polio,” pahayag ­naman ni DOH ­Epidemiology Bureau Director ­Ferchito Avelino.

Ayon sa DOH, may nakita rin sila na type 1 poliovirus sa Maynila at type 2 sa Davao at mayroon pa umanong type 3 ng poliovirus. (Juliet de Loza-Cudia)