Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Epileptic tinopak: PWD, kapitan tinaga

0 292

Patay ang isang 70-anyos na lalaking PWD habang kritikal ang kanilang barangay captain nang bigla na lamang pagtatagagain ng isang lalaking sinumpong ng pagkatopak sa Patnanungan, Quezon noong Linggo ng hapon.

Ayon kay PLT Pelagio Saludes, hepe ng Patnanungan police, agad na nasawi ang biktimang si Pedro Delvalle nang tadtarin ng taga ni Rodulfo Frias, 46, sa loob ng bahay nito sa Sityo Viyo, Bgy. Kilogan alas-2:00 ng hapon.

Habang patakas ang suspek ay nasalubong nito ang barangay captain na si William Manlangit, 60; na noon ay patungo sa kanyang palayan. Hindi na rin nakaiwas ang kapitan nang pagtatagain ito ng suspek.

Nagtamo ito ng taga sa mukha, kamay at paa at agad ding itinakbo sa ospital sa Lucena City matapos malapatan ng paunang lunas sa isang klinika.

Naaresto naman ng mga barangay tanod at mga miyembro ng Patnanungan police ang suspek.

Ayon sa mga kaanak, may sakit na epilepsy ang suspek at minsan ay nagiging bayolente ito kapag sinusumpong ng karamdaman. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.