Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ER ng Pasig hospital 5 araw sarado

0 161

Pansamantalang isasara ang emergency room ng Pasig City General Hospital simula ngayong Sabado dahil kinakailangang mag-quarantine ang mga health worker nito.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, magtatagal ang pagsasara ng ER hanggang sa Agosto 19. Aniya, ayaw sana nila itong isara pero kung mananatili umanong bukas ang ER ay tiyak na masasakripisyo rin ang kanilang serbisyo sa mga pasyente.

Sakaling may emergency, maaaring tumawag ang mga residente sa 8-643-0000 kahit na walang load. Humihingi ng pang-unawa ang alkalde mula sa mga residente, gayundin ng suporta at panalangin para sa mga frontliners ng lungsod. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.