Abante Tonite Interactive

Erap magreretiro na sa politika

0 502

Nagpaalam na sa mga Manileño at sa kanyang mga supporter si outgoing Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada matapos tanggapin ang pagkatalo kay Mayor-elect Isko Moreno.

“The people of Manila have spoken. The new leadership of the city will be coming in and I will prepare the smooth turnover of the city ­government. By June 30, my 50 years in politics and ­public service will come to an end with sterling ­co­lors­ of honesty and genuine concerns for the poor,” ayon kay Estrada.

Pinasalamatan din ni Estrada ang lahat ng nakasama niya at sumuporta sa loob ng limang dekada niya sa politika.

“I congratulate the new mayor and i wish him all the best for the good of the people of Manila,”dagdag ni Estrada.

Nanawagan rin si Estrada sa kanyang mga supporter na suportahan ang bagong liderato ng lungsod ng Maynila. Hangad umano ni Estrada ang tagumpay ng bagong liderato para sa kabutihan ng nakararami.

Dagdag pa ni Estrada na iiwanan umano niya sa lungsod ng Maynila ang P14 bilyong pondo..(Juliet de Loza-Cudia)30