Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erap nagluksa kay Don Ramon

0 378

Namaalam na ang dating Presidente ng Pilipinas na si Joseph Estrada kay Don Ramon Revilla.

Sa batch nila na haligi ng industriya, si Erap na lang ang naiwan. Nauna na sina Fernando Poe, Jr at Mang Dolphy.

Sina Erap at Don Ramon ay parehong na-penetrate ang showbiz at politika.

Statement ni Estrada:“Isa sa aking mga kasamahan sa pinilakang tabing, kapwa senador at kaibigan ang yumao sa araw na ito: ang dating Senador Ramon Revilla, Sr.

“Iiwan ni ‘Agimat’ ang mga masasayang alaala sa showbiz industry kung saan nagpasaya siya ng maraming manonood na tumangkilik ng kanyang mga pelikula. Naging bahagi rin siya ng kasaysayan bilang Senador ng bansa.

“Ang Ejercito-Estrada family ay lubos na nakikiramay sa naiwang pamilya ni Senator Ramon Revilla, Sr.”

Talbog!

@@@

Male starlet ama ng pinagbubuntis ng young actress

Pahulaan na ngayon sa showbiz ang lumabas na blind item sa Tonite. Ito ‘yung sikat na young actress na diumano’y buntis.

Related Posts

Ayon sa source, male starlet umano ang ama ng magiging baby niya.

Sinubukan naming tanungin ang kanyang manager kung true ang tsika pero seen lang ito sa messenger. Nag-message din kami sa handler niya sa viber pero dedma rin.

Tinanggi naman ng kanyang road manager ang kalagayan ngayon ng young actress.

“Katatapos lang ng shoot namin last week. Hindi naman true ‘yan,” pakli niya.

Pero marami pa rin ang nagdududa na baka buntis nga ang young actress. Puwede naman daw na maliit pa ang tiyan niya at hindi pa halata.

At saka sa showbiz, uso ang deny now, admit later.

Dalangin lang ng mga netizen na ituloy ng young actress kung true na preggy siya. Huwag niyang pag-iisipan na ilaglag ito.

Hindi naman katapusan ng career niya kung magkaka-baby na siya.

Tandaan lang niya na sina Jennylyn Mercado, Jodi Sta.Maria, Beauty Gonzales ay mas sumikat pa nu’ng maging ina.

Tsuk!

Leave A Reply

Your email address will not be published.