Abante Tonite Interactive

Erap sinupalpal sa mga illegal vendor

1,587

Naging matipid si Manila Ma­yor Isko Moreno sa kanyang reaksiyon hinggil sa pahayag ni dating Mayor Joseph Estrada sa mga illegal vendor.

“I wish him good health and long life to enjoy his retirement,” ayon kay Moreno.

Una nang idinepensa ni Estrada ang kanyang sarili na kaya niya pinayagan ang mga vendor na makapagtinda sa mga kalsada sa Maynila dahil naaawa siya sa mga mahihirap na pamilya.

“Hungry stomach knows no law,” ayon pa kay Estrada.

Gayunman, hindi nakatiis si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan na idepensa ang alkalde matapos ihayag na hindi naman pinagkakaitan ng hanapbuhay ang mga vendor kundi gusto lamang ni Moreano na ayusin sila alinsunod sa mga regulasyon na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

“Hindi inaalisan ng trabaho ni Mayor Isko ang mga vendors. Inaayos lang niya kasi dati, parang wala nang gobyerno. Kahit saan na lang pwede,” ayon kay Lacuna-Pangan.

“Laging sinasabi ni Mayor Erap ‘hungry stomach knows no law’. Ibig ba sabihin hahayaan na lang natin na wala ng batas na umiral mapagbigyan lang mga vendors kahit illegal? Kaninong sto­mach ba talaga ang hungry? Sa vendors o sa kanila na pumayag na mangyari ang ganyan? Kasi sila na mismo ang luma­labag sa batas!” dagdag ng bise alkalde.

Sinabi pa nito na hindi nila inaasahan na makikita ng maganda ng kanilang kalaban ang mga ginagawa ni Moreno sa Maynila. (Juliet de Loza-Cudia)