Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ERC-Devanadera makupad sa `bill shock’

0 199

Kinakalampag ng isang consumer group ang tanggapan ni Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Agnes Devanadera dahil may 55,000 pang mga reklamo laban sa `bill shock’ ng Meralco ang hindi pa nareresolba hanggang ngayon.

Sumugod kahapon ang Power for the People Coalition (P4P) sa ERC para kaampagin ito tungkol sa moratorium sa pagpuputol ng kuryente sa mga hindi makabayad at sa pagbabayad ng tinatawag na `bill shock’ noong panahon ng lockdown mula Marso hanggang Mayo ngayong taon.

Sabi ng grupo, mahigit dalawang linggo na nang ipangako ni Devanadera ang pagpapalawig ng moratorium sa disconnection hanggang katapusan ng taon ngunit wala pa rin itong nilalabas na direktiba.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay P4P convenor Gerry Arances, dalawang linggo na simula ng nangako si Devanadera sa mga senador at kulang na sa isang linggo bago magpamudmod ang Meralco ng disconnection notice.

“If the ERC is having trouble writing the advisory, we are more than happy to write it for them,” sabi ni Arances.

Giit ng P4P sa ERC, ilabas na ang papeles na mag-uutos sa Meralco at mga distribution utility at electric cooperative na palawagin ang moratorium hanggang katapusan ng Disyembre. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.