Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ERC dinikdik sa kuryente tongpats

0 54

Umalma ang isang grupo ng mga konsyumer sa bilis umanong umaksyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa kahilingan ng Power Electricit Operators Association (PEPOA) na payagan itong ipasa sa publiko ang kanilang mga amilyar at iba pang buwis sa nakalipas na 10 taon.

Giit ng Laban Konsyumer Inc. (LKI), inuupuan naman ng ERC ang kanilang petisyon laban sa pagtataas ng singil sa feed-in tariff (FIT) ng kuryente.

Ayon kay LKI president Vic Dimagiba, pinasasagot na ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang ERC tungkol sa kanilang reklamo.

Nabatid na sinulatan ng ARTA ang ERC noong Setyembre 3 at binigyan ito ng tatlong araw para ipaliwanag kung ano ang nangyayari sa ERC Case No. 2021-001.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Dimagiba, ang hindi pagsagot ng ERC ay may kaparusahang anim na buwang suspensiyon sa ilalim ng Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 para sa unang paglabag.

Naghain ng urgent motion and manifestation ang LKI sa ERC nitong Hunyo 21, 2021 para bawiin ang pagtataas sa FIT na binabayaran ng mga konsyumer simula pa noong Enero 2021 at babayaran pa hanggang Disyembre 2025.

Samantala, ang inihaing petisyon ng PEPOA noong Hulyo 6, 2021 ay inaksyonan agad umano ng ERC nitong Hulyo 28, 2021 habang hindi naman umuusad ang petisyon ng LKI.

Isinama ng LKI sa reklamo sa ARTA sina ERC chair Agnes Devanadera at Commissioners Alexis Lumbatan, Floresinda Baldo-Digal, Catherine Maceda at Marco Romeo Fuentes. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.