Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ERC inuulan ng reklamo vs Meralco

0 348

Kung ang publiko ay nakakatanggap ng ‘shock bill’ mula sa Meralco, inuulan naman ng `complainant shock’ ang Energy Regulatory Commission (ERC).

Sa pagdining ng Senate committee on energy, inihayag ni ERC Chairperson

“Sa ngayon po kung meron po tayong bill shock, meron naman kaming complainant shock dahil 47,000 na hindi ho namin na-anticipate at all,” pahayag ni ERC Chairperson Agnes Devanadera sa pagdinig ng Senate committee on energy na pinamumunuan ni Senador Sherwin Gatchalian.

“Ang dami po talagang dumadating, and with the social media, we’re getting complaints though Facebook, through text messages and emails,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Devanadera, matiyaga nilang binubusisi ang bawat reklamo at nakikipag-ugayan sa Meralco tungkol dito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.