Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ERC kinalampag ng mga Romblon mayor sa blackout

0 144

Inaprubahan ng provincial board ng Romblon ang resolusyong nananawagan sa Energy Regulatory Commission (ERC) na desisyonan na ang power rate petition ng Suweco Tablas Energy Corporation (STEC) para masigurong may kuryente sa lalawigan.

Ayon sa joint letter ng siyam na alkalde ng lalawigan para sa ERC, ngayong pandemya ay mahalaga na may stable na supplay ng kuryente.

Nauna nang nanawagan si Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona sa ERC sa krisis na maaaring harapin ng isla.

Aniya pa, “Remember, the most expensive electricity is no electricity.”

Malaki rin umanong kahihiyan kung magka-brownout sa lugar lalo na’t si Pangulong Rodrigo Duterte pa mismo ang nanguna sa inagurasyon ng solar plant ng STEC noong Agosto 2019.

Ang STEC ang kaisaisang nagsusuplay ng kuryente sa Tablas Island at nag-abiso na itong babawasan nito ang operasyon simula February 15, 2021 dahil nalulugi na ito sa desisyon ng ERC kung magkano nito sisingilin ang kuryente.

Prepresyuhan kasi ng presyong solar ang diesel na kuryente na lumalampas sa maximum na kuryenteng inaasahan sa STEC at ang kwentahan ay pinagagawang monthly imbes na annual, na hindi sapat para makapagpatuloy ang operasyon ng kompanya.

Paalala ni Madrona, mahalagang pangalagaan ang interes ng consumer ngunit kailangan ding makatarungan sa mga investor na nagbuhos ng pera para magkakuryente sa maliliit na isla tulad ng Romblon. Mas mahihirapan aniya ang consumers kung mawawalan ng kuryente. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.