Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ERC kinalampag sa disconnection moratorium

0 78

Hinihiling ng isang consumer group sa Energy Regulatory Commission (ERC) na mag-isyu ng kasulatan sa pinapangako nitong moratorium sa pagpuputol ng kuryente sa mga hindi makabayad hanggang katapusan ng taon.

Sabi ng Power for People Coalition o P4P, mahigit nang isang linggo ang nakalipas ng sinabi ni ERC Chairperson Agnes Devanadera sa Senado na maglalabas ito ng circular na magpapalawig ng moratorium hanggang sa katapusan ng taon imbes na hanggang katapusan ng Oktubre lamang.

“It’s about a week to go before October 31 and without that memo, Meralco would start handing out disconnection notices,” sabi ni P4P convenor Gerry Arances.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag niya, kalat na kalat sa social media ang pag-aalala ng marami sa napipintong diskoneksyon lalo na’t hirap na hirap na ang mga tao sa gastusin mula sa tuition, laptop o tablet, at internet connection para sa online class ng kanilang mga anak matapos mawalan ng trabaho.

Ayon kay Arances, hindi moratorium lamang na hanggang katapusan ng taon ang hinahabol nila kundi moratorium sa pagbayad ng `bill shock’hanggang sa mabigyang linaw ng Meralco ang mga singilin noong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ), hanggang sa maisauli nito lahat ng refund na dapat ibinabalik sa mga consumer, ayusin ang paniningil at magsagawa ng independent audit dito.

“As we said before, this memo, if released, will just be the first step. It’s unfair to hold the entire reform of the electricity sector hostage for this piece of paper which would give millions of consumers a breather for their worries,” sabi ni Arances. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.