Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ERC kinalampag sa P29B sobrang singil ng Meralco

0 39

Iginiit ng isang mambabas sa Energy Regulatory Commission (ERC) na desisyonan na ang P29 bilyong overcharging o sobrang singil ng Meralco mula 2013 hanggang 2018

Kasunod ito ng nakatakdang P0.12 per kilowatt hour tapyas sa singil sa kuryente ngayong Mayo na inutos ng ERC dulot ng P7.8 bilyon ng Meralco noong 2012 hanggang 2015.

Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite, malaking tulong ito sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin at iba pang mga bayarin.

Ngunit mas malaki pa sana umano ang tapyas kung hindi tumaas ang generation charge ng mga independent power producer (IPP), wholesale electricity spot market (WESM) at power supply agreements.

Dahil dito, umaasa si Gaite na madesisyunan na rin ng ERC ang P29B over-charging ng Meralco noong 2013 hanggang 2018 na unang ibinisto ng Bayan Muna na tiyak magreresulta umano sa pagbaba pa ng singil sa kuryente. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.