Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ERC, Meralco dinikdik sa P314M meter deposit refund

0 58

Kinalampag ni Senador Grace Poe ang tanggapan ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Agnes Devanadera para maibalik sa mga kustomer ng Meralco ang hindi pa nakukuhang meter deposit refund na nagkakahalaga ng P314 milyon.

Nabatid na nauna nang sinabi umano ng Meralco na may P314 milyong unclaimed meter deposit pa hanggang noong Setyembre 30, 2020.

Ayon sa Magna Carta for Residential Electricity Consumer na naging epektibo noong 2004, exempted ang mga kustomer sa pagbabayad ng meter deposit. Ang mga non-residential customer naman ay hindi pinagbayad ng meter deposit noong 2006.

SM food to go Banner Ad

Noong 2008, naglabas ang ERC ng panuntunan para ibalik ang meter deposit kung saan pinapayagan ang mga kustomer na makuha ito sa pamamagitan ng cash, check o `di kaya ay credit sa kanilang mga future billing o ibawas na lamang sa iba pang charges ng distribution utility.

Nagsumite ang Meralco ng accounting ng kabuuang meter deposit principal at interest noong Agosto 2008. Bagamat nagsimula ang meter deposit noong 2008, hawak pa rin ng Meralco ang P314 milyon na kabuuang meter deposit na kumakatawan sa deposito ng mga nag-terminate o tinapos na ang kanilang serbisyo.

Ayon kay Poe, makatutulong ang Meralco sa pamamagitan ng pagbibigay ng mekanismo sa kanilang website para makita ng publiko kung kasama sila sa mga maaaring kumuha ng refund o kaya’y ilathala ang pangalan ng mga taong may karapatan sa refund. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.