Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ERC sa Meralco: `No disconnection’ hanggang Bagong Taon

0 152

Nakatanggap ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng 63,458 na reklamo tungkol sa bill shock mula noong panahon ng enhanced community quarantine hanggang October 6 at mahigit sa kalahati nito ay reklamo sa Manila Electric Company (Meralco).

Sabi ng ERC, ang mga reklamo ay pinadala sa komisyon sa email at 32,308 sa mga reklamo ay pinadala nito sa Meralco para tugunan.

Ayon sa ERC, naghihintay pa ng sagot ang mga nagrereklamo sa Meralco.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kabuuan 63,458 reklamo, 3,370 na kaso ang naresolba ng ERC at 2,993 dito ay tinuturing na closed cases na, at paghaharapin pa ang distribution utilities at ang consumer sa 1,279 na kaso.

Maglalabas naman ng direktiba ang ERC sa mga distribution utilities gaya ng Meralco at mga electric cooperatives na huwag putulan ng kuryente ang mga hindi pa bayad hanggang December 31, 2020.

Sa budget hearing sa Senado kahapon, sinabi ni ERC chair Agnes Devanadera na nag-draft na ang kanilang tanggapan ng advisory na maguutos sa Meralco at iba pang mga distribution utilities na palawigin ang no disconnection policy hanggang bisperas ng bagong taon. (Eileen Mencias )

Leave A Reply

Your email address will not be published.