Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eric Yap pwede makulong – Digong

0 300

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na may pananagutan si ACT-CIS Rep. Eric Yap sa graft and corruption dahil sa umano’y pagtatangka nitong pigilan ang Presidential Anti-Crime Commission (PACC) na kasuhan ang kanyang fixer-agent sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

“(Eric Yap) intervened in the investigation against Ricardo…requesting him to drop the case against District Engineer Ricardo,” sabi ni Duterte sa briefing nito noong Lunes, “By calling up (PACC) Commissioner Greco (Belgica)…that simple call can send you to jail. Ano ‘yan eh punishable by Republic Act 3019 Anti-Graft Law.”

Pinangalanan ni Duterte si Yap, na kilalang malapit kay Congressman Pulong Duterte, bilang manipulador ng DPWH sa Benguet. Kasama rin ang umano’y fixer ni Yap na si Ricardo. Tinanggi naman ito ni Yap at sinabing nakahanda siyang mag-resign kung mapatutunayang guilty.

Leave A Reply

Your email address will not be published.