Abante Tonite Interactive

Erich alindog ang panlaban sa ‘The Blood Sisters’

By
11,538

Mapang-akit ang alindog at katapangan ni Erich Gonzales sa mapangahas niyang pagganap bilang tatlong babaeng bunga ng isang kasunduan pero pinagwatak-watak ng kapalaran. Ito’y sa bago niyang serye sa ABS-CBN na ‘The Blood Sisters’ na magsisimula sa Feb. 12.

Bumigay si Erich dahil malaki ang tiwala niya sa kanyang director na si Jojo Saguin. ‘Yung isang character niya bilang Erika ay sexy dancer kaya nag-hire sila ng dancer sa club para turuan siya ng mga steps kung paano ang ginagawa roon.

“It’s important that you trust the people around you. She genuinely cares. ‘Yung trust andoon, ‘yung respect. Sobrang grateful talaga ako for her, for her guidance and she’s not only a director, talagang she checks on me every day after taping,” sambit niya.

Hindi na nag-iinarte si Erich pagdating sa love scene, sexy pictorial, mapa-teleserye man o pelikula gaya ng ‘The Sgnificant Other’.

“Nasa right age naman na po tayo. Nasa point na ako ng buhay ko na gusto ko gawin lahat,” pakli ng aktres.

Pero, ayaw niya munang magka-lovelife ngayon. Kahit makipag-date ay hindi niya binibigyan ng oras.

“Wala talaga. ‘Yung oras na meron ako, ipapahinga ko na lang talaga. Hindi talaga siya madali. Importante na hindi ako masiraan ng bait,” deklara niya.