Abante Tonite Interactive

Erich ayaw maging kontrabida

624

Kinumpirma na ng Dreamscape Entertainment na talagang pinalitan ni Yam Concepcion si Erich Gonzales sa seryeng “Love Thy Woman”.

Ayon sa official statement na inilabas ng Dreamscape Entertainment kahapon, si Erich mismo ang nag-resign sa serye due to creative differences.

Narito ang kabuuan ang official statement:

“Due to creative differences, Erich Gonzales has resigned from ‘Love Thy Woman’, a Dreamscape Productions from ABS-CBN. Yam Concepcion will be taking on the role of Dana Wong in the series.”

Last month pa lumutang ang tsikang nag-backout na si Erich sa proyekto na pinagbibidahan din nina Kim Chiu and Xian Lim, at si Yam na nga raw ang kapalit.

Kasabay nito ang mga bali-balitang hindi raw kasi nagustuhan ni Erich na ginawa siyang kontrabida sa serye dahil hindi raw ito ang napag-usapan nang una itong i-pitch sa kanya.

May tsika pang may “maldita” attitude na raw si Erich at pinababago raw ang script kaya nairita umano ang writer at sinabihan siyang aktres lang siya at hindi scriptwriter.

Anyway, totoo man o hindi, marami naman ang nagsabi na good replacement si Yam dahil magaling din naman daw umarte ang aktres. (Vinia Vivar)