Abante Tonite Interactive

Erich dinamayan si Janella sa depresyon

601

Kinumpirma ni Janella Salvador na naka-move on na siya sa hu­ling relasyon pero bago ito ay inamin naman niyang talagang nagkaroon muna siya ng depresyon.

“I went through really bad times,” sey niya sa pa­nayam niya sa “Tonight With Boy Abunda.” “I got depressed. I didn’t wanna get out of the house anymore.

“When I went through that, it’s like I wanted to be in this little hole and never get out. So I was stuck there with all these bad memories in my head.”

In times of depression, talagang thankful daw siya sa mga kaibi­gang nagpadala sa kanya ng mga encouraging words, at isa na raw dito si Erich Gonzales.

“She sent me a long message telling me that ‘there is something better in store for you, God wants to tell you that.’ It was so long, it was so beautiful.

“And two other friends, they also told me almost the same thing – that God wanted to tell me this. And I was so overwhelmed, I was like, ‘wow!’ In your time of need talaga, that’s how you know God is there. He uses different things to reach out to you because your mind is so closed and your heart is closed. It was amazing talaga, it was beautiful,” pahayag pa ni Janella.

Hindi na binanggit kung sino ang huling karelasyon ni Janella na nakapagpa-depress sa kanya pero alam naman ng lahat na si Elmo Ma­galona ang tinutukoy.

Marami raw siyang natutunan sa naturang relasyon at isa na rito ay kung paano magmahal but at the same time ay mahalin din ang sarili.
“I didn’t realize it when I was there, but I gave too much of myself away that I forgot that I had my own person,” aniya.
***

Boy Abunda ‘di kumbinsido sa John Lloyd comeback

Still on Kuya Boy, nagbigay siya ng opinyon sa napi­pintong showbiz comeback ni John Lloyd Cruz. May nagtanong kasing netizen kung sa tingin ba niya ay for good na ang pagbabalik ng aktor, at ayon sa King of Talk ay hindi.

“Akin lang po ito but since you’re asking me, I’ll give you a straight answer. Palagay ko hindi. Pero John Lloyd will always have a space in this industry because of his massive talent,” pahayag ni Kuya Boy.

Matapos ang ingay ng pagbabalik ni Lloydie via endorsement early this month, wala pa ulit bagong balita tungkol dito.
***

Sharon malaki ang ipinayat

Ang daming nag-react sa recent post ni Sharon Cuneta kung saan ay makikitang ang laki ng ipinayat niya ngayon. Halos lahat ng comments ay pinupuri siya’t kino-congratulate sa kanyang pag-slim down.

Maging ang mga kapwa artista niya ay nagsipag-comment and obviously happy for her.

Balitang may mga naka-line up na pelikula si Sharon at ito marahil ang dahilan kung bakit deadset siya sa pagpapapayat ngayon.

Sa ngayon ay inaabangan na ng kanyang mga fan ang first horror film niya na “Kuwaresma” na showing na sa May 15. Mula ito sa Reality Entertainment na idinerihe ni Erik Matti.