Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erich ,Enchong muling magpapakilig

0 183

Excited much ang mga fan ng tambalang EnRich.Muli silang magpapakilig.

Inanunsyo na nina Erich Gonzales at Enchong Dee na meron na silang YouTube channel: ang Enrich Originals.

Sa ilalim nito, magpo-produce sila ng original series sa iba’t ibang digital platforms.

“We listened to you guys and the fruits of our labor will soon be available to you for FREE,” sey ng aktor sa Instagram.

“Can’t wait to share this with all of you,” banggit naman ng aktres.

Bukod sa YouTube channel ay naglabas din ng Instagram page ang dalawa, kung saan pinabatid nila na nagshu-shoot na sila ng 8th sequence ng kanilang unang episode.

Naka-tag dito ang iba’t ibang personalidad na posibleng katuwang nila sa proyekto, kabilang ang mga kapwa-aktor na sina Janella Salvador at Arjo Atayde, at scriptwriter Noreen Capili. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.