Abante Tonite Interactive

Erich limot na si Daniel

338

Halatang totally naka-move na ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales sa hiwalayan nila ng Brapanese hunk model na si Daniel Matsunaga. Happy umano ito sa kanyang bagong apple of the eye na si Mateo Lorenzo, isang mayamang businessman.

Si Daniel din naman ay masaya na sa piling ng kanyang Polish girlfriend na si Karoline Pisarek.

Usap-usapan kasi ang clip ng video ni Erich kapiling ang rumored entrepreneur-boyfriend na kumalat kamakailan sa social media.

Lovey-dovey at sweet sa isa’t isa ang dalawa sa kanilang video kaya naman maraming netizen ang kinilig sa kanila.

Katunayan, maraming nakapansin na may kakaibang glow raw sa mga mata ni Erich na obvious na inspired. Dahil dito, may nag-conclude na in love na ito at naka-move on na sa breakup sa dating boyfriend.

May mga nagkomento rin na mga supporter na masaya sila sa estado ng bagong lovelife ng aktres.

Wish din nila na nahanap na ni Erich ang lalakeng seseryoso sa kanya.