Abante Tonite Interactive

Erich may tip sa pakikipagsampalan

3,691

NAKADALO na si Erich Gonzales sa grand presscon ng The Significant Other held last Sunday. Matatandaan kasing sa pocket presscon last week ay wala ang aktres at ang dalawa lang na kapwa lead stars na sina Lovi Poe at Tom Rodriguez ang nakarating.

That time ay nabiro si Lovi na baka kaya wala si Erich ay dahil hindi pa sila okay dahil sa catfight scene na nangyari sa kanila kung saan ay nasugatan ang huli.

Sa grand presscon ay muling sinigurado ng dalawang aktres na okay na okay sila at hindi na­ging big deal sa kanila ang nangyari dahil parte lang ‘yun ng trabaho.

Nang makatsikahan din namin si Erich after the open forum ay natanong din sa kanya kung talaga bang nasaktan siya sa sampalan scene nila ni Erich.

“Siyempre po, artista po tayo, kapag may mga ganu’ng eksena, kaila­ngang prepared po tayo. ‘Di ba, alam niyo na po na magkakasakitan kayo, masasaktan ako, but then, given na po ‘yun. Basta para po sa amin, mas gusto lang namin na maging totoo, mas mapaganda ‘yung mga eksena at maibigay kung ano ang hinihingi sa storya.

“Artista po tayo, so siyempre, alam na po natin ‘yang mga ganyang bagay,” pahayag ni Erich.

Na-tense ba siya nang makita niyang dumugo ang kamay niya?

“Kasi, dapat po talaga, walang suot ng mga jewelry, accessories, but then, siyempre, siguro, may mga ganun talagang hindi maiiwasan na nangyayari, accident, but then, all is well.

“Me and Lovi are super-okay, we’re good friends at hindi naman po ako napikon. Parte po ‘yun ng trabaho and like what I’ve said, kung anuman po ang hinihingi sa atin, we’ll just deliver po,” saad ni Erich.

Matatandaang ang nangyari sa sampalan scene na ‘yun, sumabit ang kamay ni Erich sa hikaw ni Lovi nang sampalin niya ito kaya nasugatan ang kamay niya at dumugo.

Natanong din si Erich kung bakit LODI Poe ang tawag niya kay Lovi at aniya, inspiration daw niya kasi ang aktres in so many ways lalo na sa fitspiration, sa mga work-out routines nito at pagpapanatili ng magandang figure.

“And sobrang masaya po ako na nagkaroon din ako ng chance na makatrabaho si Lovi kasi kahit sa mga eksena po namin, parang lagi kaming galit sa isa’t isa, off-cam po, wala po kaming naging problema.

“And sa sampalan po namin na parang lahat nawindang, sobrang naging intense lang po ang mga naging eksena,” she said.

Sa The Significant Other ay ginagampanan ni Erich ang role na Nicole na naging ‘significant other’ ng karakter ni Tom.

Showing na sa Feb. 21 ang pelikula mula sa direksyon ni Joel Lamangan under Cineko Productions and Star Cinema.

***

Lovi mas type manood sa Netflix kesa makipag-date sa bf

DAHIL bukas na ang Va­lentine’s Day ay natanong naman namin si Lovi kung ano ang gagawin nila ng Filipino-French boyfriend na si Chris Johnson sa Araw ng mga Puso.

“I’ll be working po yata sa Valentine’s Day so ang kasama ko, mga girls, sina Rhian (Ramos) and sina Max (Collins),” sey ni Lovi na ang tinutukoy ay ang mga kasama niya sa seryeng The One That Got Away sa GMA-7.

Siguro raw kung meron mang date na magaganap, baka after ng taping na lang pero hindi pa raw niya alam.

Pero kung may time, ano ang gusto niyang gawin sa Valentine’s Day?

“Honestly? Magpahinga at kumain nang madami. Gusto ko lang manood ng Netflix,” natatawa niyang sabi.

“Honestly, ganu’n po talaga. Kasi ‘yung work po namin ngayon, sunod-sunod po talaga. There’s no time for other things. So, parang ako, kapag may time, talagang singit na lang talaga ‘yung date night. And I really enjoy the simplest thing now,” lahad ng aktres.

Si Chris na ba ang “the one?”

“I’m praying, I’m praying,­” sagot niya.