Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erich, MayWard, McLisse ‘di bibidahin sa pelikula

0 661

ROMMEL PLACENTE: May mga artista na binigyan ng chance na magbida sa pelikula, o binigyan ng launching movie,pero hindi sinuwerte na kumita ang kanilang pelikula.Isa na rito si Erich Gonzales.Dahil naghi-hit naman ang mga seryeng pinagbihan niya, inilunsad siya noon sa pelikulang ‘Corazon: Ang Unang Aswang,’ na pinagtambalan nila ni Derek Ramsay. But sad to say,hindi ito kumita sa takilya. Pero sa kabila nito,binigyan uli ng nasabing movie outfit si Erich ng pelikula na bida uli siya via ‘Suddendly It’s Magic.’ Unfortunately,hindi rin ito naging successful sa takilya. To think na ang leading man pa rito ng dalaga ay ang Thai superstar na si Mario Maurer ha?

Mukhang sa telebisyon lang tinatangkilik si Erich.Sa pelikula kasi ay hindi siya tanggap.Hindi nagbabayad ang mga fan niya para panoorin siya.

Si Yeng Constantino ay nagbida na rin sa pelikula.Ito ay ang ‘What About Love?’ na naging entry sa MMFF 2019. Pero isa rin itong dismal flop. Mukhang hanggang sa pagkanta lang si Yeng. Bilang isang singer kasi, ay successful siya, tinatangkilik siya ng tao.

Pagdating naman sa usaping serye,si Gwen Zamora ay dalawang beses binigyan ng GMA 7, na siya ang lead. Ang una ay sa Binoy Henyo noong 2012.At ang ikalawa ay ‘yung bidang-bida siya Innamorata noong 2014.Pero kahit nagbida na sa serye,hindi pa rin umangat ang career ni Gwen. Hanggang mag-lie low siya sa showbiz, nag-asawa at nagkaanak.

Kayo mga ka-Cuatros,sino pa ang mga kilala ninyong artista na nagbida na sa serye o pelikula,ang hindi naman tinangkilik ng publiko?

RODEL FERNANDO:Sadya talagang may mga artista na hindi sinuwerte sa kanilang launching movie o project. Kaya naman ang ending ay nalilinya na lamang sila sa mga supporting roles. Ibig sabihin hindi sila pumasok sa kategoryang major o bankable stars.

Tulad na lamang ng kaso ni Jean Garcia na inilunsad noong 80’s ng Regal Films sa pellikulang “Impaktita”. Hindi naging maganda ang pagtanggap sa kanya ng publiko at hindi kumita ang pelikula. Kahit sikat ang mga leading men niya noon sa movie na sina Richard Gomez at Aga Muhlach.

Pero ganunpaman, nang mag-iba ng linya ang dating Regal Baby at tumanggap ng kontrabida roles ay nakilala siya bilang aktres. Marami ang pumuri at pumalakpak sa kanya sa pag-arte niya sa mga teleserye at maging sa mga indie film.

Sa hanay naman ng mga kabataang artista ngayon ay naging mailap din ang suwerte kay Inah de Belen. Inilunsad kasi siya sa teleseryeng ‘Oh My Mama’ ng Kapuso network pero hindi ito nagtagal sa ere. Ang dahilan, mababa ito sa ratings na naging dahilan para hindi na siya bigyan ng bida role. Sayang dahil magaling umarte ang dalaga bukod pa sa hitsura niyang pang-artista talaga.

MILDRED A. BACUD: Isa pa sa nabigyan na ng lead role dati nu’ng nasa Kapamilya network pa lang siya ay si Lauren Young. Naging bida siya sa remake ng “Mula Sa Puso, ” no’ng 2011, na ginampanan dati ni Claudine Barretto. Nakapareha niya sina JM de Guzman at Enrique Gil.

Hindi na ganun kainit na tinanggap ito kaya after this series ay hindi na siya nabigyan pa ng follow up project. Kaya naman nag-decide na ang aktres na lumipat sa Kapuso network. Wala rin naman nangyari dahil supporting roles lamang ang halos nabigay sa kanya . Malayo na ang narating ng mga dati niya leading men na sina JM at Enrique.

Meron din namang mga loveteams na successful naman sa TV pero flopey sa pelikula. Tulad na lang ng MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber). Ang launching movie nila nu’ng 2017 na Loving In Tandem ay hindi kumita. Ganun din ang pelikulang Sakaling Maging Tayo ng McLisse ( McCoy de Leon at Elisse Joson) ay hindi rin kumita kahit marami silang fans.

INA SEKSING KONTRABIDA

ROLDAN CASTRO: Mukhang may isang young actress na papasok na rin sa kuwadra nila. ‘Yung binigyan ng chance mag-lead pero hindi naman bibidahin. Kasi tinapos agad ang serye niya at hindi naman siya napag-uusapan.
 
May mga artista talaga na hindi bibidahin pero patok na supporting o kontrabida. Tingnan niyo na lang si Cherie Gil nagtagal sa industriya kahit hindi click na bida.Kilala siya bilang magaling na aktres.
 
Ganoon din si Ina Feleo, mahusay na artista pero mas bagay sa mga salbahe role kesa magbida.
 
Keri niya i-project ang pagiging seksing kontrabida. Sina Robi Domingo, Luis Manzano, Iya Villania mas patok na host kesa umarte at magbida sa pelikula o serye.
 
Si Wendy Valdez ng PBB. Naging kontrobersyal noon, ginawang bida sa ‘Margarita’ pero hindi inabot ng one season. Sinibak agad ang kanyang serye. Ngayon, nawawala na sa sirkulasyon si Wendy. Ganoon din si Jennica Garcia. Binigyan ng break ng GMA pero dumating ang panahon na hindi na ni-renew ang kontrata. Join na rin siya sa mga hindi bibidahin.
 
Kahit si Danita Paner mailap din sa kanya ang popularity sa showbiz kahit ilang beses siyang binigyan ng chance na magbida, maging leading lady. Mas effective din siya na supporting na lang. Pero naniniwala ako na may halong suwerte rin ang pagbibida para magustuhan ka ng manonood. Bukod dito, hindi importante kung malaki o maliit ang role. Ang mahalaga ay marunong kang umarte, propesyonal, marunong makisama para magtagal sa industriyang ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.