Abante Tonite Interactive

Erich muntik maputulan ng ulo

1,269

tonite-pak-allan-dionesIlang beses palang muntik-muntikang mategi si Erich Gonzales habang ginagawa nito ang action flick na ‘We Will Not Die Tonight’.

Stuntwoman ang role ni E­rich, so nagpa-build siya ng muscles at nag-training siya ng Muay Thai at arnis. Tapos ay sumabak siya sa aksyon na siya mismo ang gumawa at ayaw niyang magpa-double.

Sey ng Kapamilya actress, si Direk Richard Somes ay pala­ging sinasabing magaling siya sa mga eksena, pero pinapagawa nito ulit hanggang sa makuha niya kung anong gusto nito.

Kuwento ni Direk Richard, apat na beses nanganib ang buhay ni Erich sa shooting nila. ‘Yung isa ay napuluputan ito ng barbed wire sa leeg, na ‘pag bumitaw ito sa hinahawakang tubo ay mapuputol ang ulo ni Erich.

‘Yung isa naman ay nakuryente ang dalaga habang nagra-rappel nang 40 feet sa itaas ng isang elevator. Ma­lakas ‘yung kuryente, buti raw ay nakabitaw si Erich na mala-Tom Cruise ang peg sa ‘Mission Impossible’.

Pinatigil na ni direk ‘yung eksena dahil madidisgrasya ito, pero ginawa pa rin daw ni Erich ‘yung elevator stunt nu’ng last day nila.

Kaya bilib na bilib si Direk Somes sa tapang at dedikasyon ng 27-anyos na aktres. Nagdayalog pa si Erich ng “More, more more!” at humingi ng part 2 kay direk.

Ani Erich, gusto niya kasi laging mag-try ng bago at luma­labas sa comfort zone niya para ma-test kung hanggang saan ang kaya niya.

Pareho sila ng ‘BuyBust’ star na si Anne Curtis na bida sa isang action movie, pero sabi ni Erich ay magkaiba ang istorya ng pelikula nila.

Saludo raw siya kay Anne na nag-take ito ng risk na gumawa ng action film dahil hindi ito biro. Natutuwa siya na nabibigyan ng chance ang kababaihan ngayon na magkaroon ng lead role sa action films, so women empowerment daw ito.

Sa August 15 ang showing sa mga sinehan nationwide ng maaksyon at madugong We Will Night Die Tonight kasabay ng iba pang entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.

Sue pinag-agawan ng magkapatid na guwapo

Feeling ang ganda-ganda ni Sue Ramirez dahil pinag-aagawan siya ng magkapatid na guwapo sa kanyang pelikulang ‘Ang Babaeng Allergic sa WIFI’.

Sina Jameson Blake at Markus Pater­son ang gumaganap na brothers sa movie na parehong nainlab kay Sue.

Sabi ng 22-anyos na Kapamilya star, in real life ay tropa lang ang tingin niya kay Markus dahil matagal na silang magkaibigan. Si Jameson ay nakakainlab daw sa movie at napaka-charming, pero wala silang malisya sa isa’t isa.

Hindi raw nila nakikita ang isa’t isa na magiging more than friends. Magkakagulo pa raw ‘pag hinaluan ng malisya ang trabaho.
O baka naman dahil meron siyang special someone kaya ganu’n?

“Siguro rin po,” nakangiting sagot sa amin ni Sue.

Actually, hindi pa raw sila official ni Joao Constancia, pero alam ng lahat na lumalabas sila. Hindi raw nila minamadali and they want to take time na kila­lanin ang isa’t isa na walang pressure.

So, anong meron sila ni Joao? Paano niya ide-describe?

“Happy. Happy together.”

So, they’re together?

“Oo naman. Hahanap pa ba tayo ng iba, nandiyan na nga!” mabilis na sagot sa amin ni Sue.

Sa totoong buhay ay wala raw allergy sa kung anuman si Sue. Masasabi niyang allergic siya sa bashers at sa mga sinungaling.

Jameson one week nagbakasyon sa social media

Inamin ni Jameson Blake na-down siya nu’ng panahon na umani siya ng matinding bashing online dahil sa isang tweet niya na humihingi siya ng artwork na ang kapalit ay shout out mula sa kanya.

Ayon sa tisoy na binata, isang linggo siyang nag-delete ng social media dahil naapektuhan siya sa kontrobersyang ‘yon. Ayaw niya ring lumabas at nasa kuwarto lang siya.

Na-hurt ang 21-anyos na Hashtag member dahil wala raw siyang intensyon na i-downgrade ang sinuman. Humingi lang siya ng pabor, na naging offensive para sa iba, pero wala siyang masamang intensyon sa tweet niyang ‘yon.

Naging lesson din for him ‘yung nangyari kung paano niya iha-handle ang ganu’ng sitwasyon. Ngayon, he’ll be more aware sa mga sasabihin niya.

Para kay Jameson, masyadong naging harsh ang ibang netizens kahit maraming mas importanteng bagay na dapat pansinin ng mga ito.

Hindi naman daw porke celebrity o public figure­ sila ay may karapatan na ang ibang tao na i-bash sila nang ganu’n.

Ang karakter ni Jameson­ sa kanyang pelikula ay hindi nagso-social media, so naka-relate daw siya rito nu’ng one week siyang nag-disconnect from the online world.