Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erich nilustay ang datung sa lote

0 78

Kung ang ibang artista ay sobrang naapektuhan ang pangkabuhayan dahil sa pandemya, parang walang trace ng paghihirap si Erich Gonzales.

Sa latest vlog kasi niya ay nag- lot tripping siya sa bandang South. Take note, corner lot lahat ang tiningnan niya.

Sabi niya, maganda kasing investment ang lote, hindi siyarnagde- depriciate. Magandang dito daw mapunta ang hard -earned money niya. Puwede raw sa lote ay magpatayo siya ng vacation house o farm.

Bongga naman talaga. Ibig sabihin malaki talaga ang pera ng aktres. Super yaman din naman ang non-showbiz boyfriend niya.Kahit pa madalang ang projects sa TV malaki rin ang kinikita ng aktres sa YT channel nito.

Hirap pa rin: Jed hanap bumibili ng kidney

May mga reaksyon sa post ng magaling na singer na si Jed Madela na para bang hanggang ngayon ay apektado pa rin ng pandemya.

Post niya sa kanyang FB account, ” Ayan na naman… Judith at Jona…Ano ba! Saan kaya ako huhugot?May gustong bumili ng kidney?Wahahahahaha!Itawa ko na lang to…Haaaayyyy… buhay…”

Kaya may mga nagtatanong paano daw hirap si Jed ay may mga shows pa rin naman siya, Nariyan ang pagiging hurado niya sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime, ASAP Natin ‘To at pagiging mentor niya sa Your Face Sounds Familiar.” Naku pandemya nga kaya naiintindihan namin si Jed. Hindi naman araw-araw ang exposure niya sa mga shows na ito. Malaking kawalan talaga sa kanya ‘yung mga concerts abroad, out of town shows at mga corporate shows.Mas malaki kaya ang kita dito kesa sweldo sa mga TV shows.

Red 1 araw lang naging dyowa ng aktres

Kakatuwa din ang mga rebelasyon ni Rica Peralejo sa kanyang vlog. 800 pesos lamang sweldo niya sa gag show no’n na ang Ang TV.Lumaki na lamang nung magkaroon siya ng teleserye. Sa edad 25 pala gusto na niyang mag-quit sa showbiz. Pera lamang daw ang dahilan kung bakit siya nag-artista.

Naging alcoholic pala siya no’n at chain smoker. Dalawang kaha pala ng sigarilyo ang nauubos niya sa isang araw. Inamin din niya na magparetoke siya ng boobs at 2017 siya nagpatanggal. Hindi na rin siya virgin nang makasal sa asawa. Si Bernard Palanca ang pinakamatagal niyamg naging boyfriend na umabot sa 4 na taon .Ang pinakamabilis niyang relasyon ay kay TGIS star na si Red Sternberg na umabot lamang sa isang araw. Happy na rin si Rica sa pribado niyang buhay ngayun bilang may asawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.