Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erich ‘pinakulong’ si Raymond

0 220

Nanggigigil sa galit at kahihiyan Raymond Bagatsing (Lukas) matapos siyang magdusa ng isang gabi sa kulungan. Ito ang mainit na eksena sa “La Vida Lena,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Nakulong si Lukas dahil hindi siya pinayagang makapagpyansa pagkatapos siyang kasuhan ni Erich Gonzales (Lena) ng pananakit. Naging marahas ang kinahantungan ng pagtatagpo nila dahil umabot sa puntong sinasakal na ni Lukas si Lena habang nasusunog ang bahay ng dalaga.

Unti-unti nang napagtatagumpayan ni Lena ang paghihiganti.

Leave A Reply

Your email address will not be published.