Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erich tagasalo ni Ivana

0 159

NI: ALWIN IGNACIO

Iba na talaga ang estrella at premium ni Ivana Alawi, huh! Aba, ang millennial bathaluman tumatanggi na sa proyekto at launching teleserye pa man din.

Ang dating “Ang Lihim ni Ligaya” na dapat si Alawi ang magre-reyna, binago na at ang ipinalit rito ay “La Vida Lena” at si Erich Gonzales na ang magmamaganda.

Promotion ba ito o demotion para kay Gonzales? Imagine, siya na lang ang tagasalo sa proyektong inayawan ni Alawi kasi nga takot pa ito sa pandemya.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Siyempre, nagpapaka-professional si Gonzales kaya tinanggap niya na siya ang replacement. Hindi naman siya pwedeng mag-inarte dahil sa true lang tayo lagi, neither here nor there na ang kanyang karera. Hindi pa naman laos pero mas lalong hindi kasikatan kaya kung mapangahas ang tema nito, maaring ito ang magpainit at magpaingay muli sa kanyang nagsesebong karera, hindi ba naman?

Ano naman kaya ang susunod na kabanata sa career ni Alawi? Ngayong may “k” na pala siyang mag-no, mag-near frozen delight kaya ang kanyang stature .Kumbaga, talagang bakasyon grande ang ibibigay sa kanya hanggang sa mapagtanto niyang once a starlet is always a starlet?

O mas kapanabik-panabik pa ang kanyang mga paandar at payanig? So, you better watch out at you better not cry dapat ang mga barakong buhay na buhay ang dugo at nagtutumigas ang mga ugat dahil sa kanyang alindog at rikit.

Masasabi na ba nating Ivana Alawi is Ivana Alawi?

Leave A Reply

Your email address will not be published.