Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erik adobo ang ayuda sa b-day

0 118

NI: ROLDAN CASTRO

Makahulugan ang selebrasyon ni Erik Santos sa kanyang 39th birthday kahapon. Nu’ng Biyernes, October 8 ay namigay siya ng ayuda sa mga taga-Malabon.

Ayaw na niya sanang pag-usapan pa kung anong ayuda ang ipinamigay niya pero masaya na raw siya sa ganitong selebrasyon dahil sa pinagdaanan natin ngayon.

Ang isa pang ikinasaya ring selebrasyon ni Erik sa kanyang kaarawan ang pamimigay nila ng luto nilang pork adobo sa mga jeepney drivers sa Katipunan, Quezon City nu’ng nakaraang October 6.

Tumulong siya sa kilalang Chemist at Philanthropist na si Pinky Tobiano sa pagluluto ng pork adobo gamit ang Pinoy pork ng local na backyard hog raisers.

Pagkaluto, siya rin ang naglagay sa mga tub para ipamigay sa mga jeepney drivers sa QC.

Bahagi ito ng mga activities ng Grateful Tuesdays ni Pinky na regular na nagbibigay ng tulong sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya.

SM food to go Banner Ad

“Kawawa ang mga jeepney drivers, kasi talagang humina ang kita nila since nung nagka-pandemic.

“Ang saya nila kapag nabibigyan sila ng konting tulong ng Grateful Tuesdays,” pahayag ni Chemist Pinky.

Nagpapasalamat din siya kay Erik dahil sa tulong nito sa ganitong paraan, para ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Solid din umano ang suporta ni Erik sa campaign ni Chemist Pinky na Support Pinoy Pork.

“Ang tatay ko po kasi nag-aalaga rin ng baboy noon at ito ang tumulong sa aking pamilya.

“Kaya malapit sa puso ko ang mga masisipag na magsasaka at mga magbababoy,” deklara ni Erik.

Leave A Reply

Your email address will not be published.