Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erik nakatulog sa pag-iyak

0 825

NI: VINIA VIVAR

Lubhang mahirap talagang i-proseso at tanggapin para sa mga Kapamilya stars and employees ang nangyari sa kanilang home network. Kaya naman talagang sunod-sunod pa rin talaga hanggang ngayon ang kanilang protesta.

Sa post nga ni Erik Santos, sinabi niyang wala raw silang ginawa kungdi mag-iyakan hanggang sa makatulugan na niya ang sama ng loob.

“Kausap ko kagabi ang isang kaibigan. Wala kami ginawa kundi mag iyakan na lang. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dala ang galit at sakit na dulot ng mga pangyayari,” ani Erik sa kanyang Instagram post.

Sobrang napakasakit daw at napakabigat sa dibdib ang nangyari.

“Totoo, napakasakit, sobrang bigat sa dibdib. Galit na galit ako sa mga taong nagdiriwang at masayang masaya sa sinapit naming lahat at ng kumpanyang aming pinagtatrabahuhan.

Related Posts

“Nagdurugo ang aking puso para sa libo-libong mga empleyado na mawawalan ng hanap-buhay,” patuloy ng singer.

Sa huli ay pinipilit pa rin namang magpakapositibo ni Erik at aniya, in time ay babangon din sila.

“There aren’t enough words to describe the pain we are feeling right now, but I find comfort in knowing that God is bigger than all of these. For now, allow us to grieve and respect what we are going through.

“Eventually, we will all rise up and move on from here – stronger and better.

“Muli, isang mahigpit na yakap sa aking mga boss at katrabaho. Let us stay together as one family and continue to be in the service of the Filipino worldwide.

“Maraming salamat sa lahat ng nakiramay at nagdasal para sa amin. Hindi po kami makakalimot,” pagtatapos ni Erik.

Leave A Reply

Your email address will not be published.