Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erik ‘nireklamo’ si Angeline kay Tulfo

0 1,647

Laugh trip ang Instagram post ni Angeline Quinto na larawan nila ni Erik Santos habang nasa Wanted sa Radyo program ni Raffy Tulfo.

Sa larawan ay makikita silang dalawa habang nasa gitna si Raffy na karaniwang eksena sa nasabing programa kapag may nagrereklamo..

Makikita sa bandang ibaba ng photo ay “on the phone Erik Santos nagrereklamo.”

Caption ni Angeline, “Maayos tayong nag umpisa. Bakit naman umabot sa ganito Pogs @eriksantos? Pasensya na ho Sir Raffy.”

At first ay iisipin mong totoo ang larawan and you’d wonder kung ano kaya ang reklamo ni Erik kay Angeline. Bale ba ay seryosyong-seryoso ang hitsura ng mukha nila sa picture.

Pero you’ll easily know din na prank ito at edited ang larawan dahil na rin sa mga laughing emojis na ginamit ni Angeline.

Panay rin ang tawanan ng mga netizen sa comment section.

Nakisakay naman si Erik sa prank at nag-react din sa post.

“Bakit kailangan tayo umabot kay Tulfo Ge??? Sana pinag usapan na lang natin ng maayos ang lahat,” sey ni Erik.

Pati si Kim Chiu ay nag-react ng katakot-takot na face with tears of joy emojis.

Komento naman ni Darren Espanto, “HAHAHAHA tawang tawa naman ako.”

Pinusuan din ito nina Enchong Dee, Vina Morales, Iza Calzado to name a few.

Komento naman ng isang netizen, nag-check pa raw siya sa YouTube channel ni Tulfo para tingnan kung totoo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

@@@

Chiu sablay sa todong englisan

Inamin ni Kim Chiu na isa sa insecurities niya ay hindi siya fluent sa English. Napag-usapan kasi nila ang bagay na ito sa huling episode ng It’s Showtime at naging honest naman ang aktres.

Sa Tawag ng Tanghalan segment ay biglang nadako ang usapan sa insecurities and imperfections sa katawan.

Biglang tinanong ni Vice Ganda si Kim kung ano ang insecurity niya.

“Ako? Nahihiya ako, hindi ko kayang makipag-usap sa mga fluent English,” pag-amin ni Kim.

Sagot naman ni Vice, “ha??? Daldal-daldal mo rito, hindi mo nga maintindihan kung kelan ka hihinto.”

Katwiran naman ni Kim, “hindi English dito, Tagalog dito, ‘Ma, eh.”

Sey naman ni Vice, “magaling kang mag-English.”

Sabi naman ulit ni Kim, “pag tinapat mo na ako sa totoong English-speaking, medyo ano na tayo dyan. . .’ah, thank you, talk to you later,’” sabay-tawa ng aktres.

Ayon naman kay Vice Ganda, mahirap daw talagang makipag-usap ng English sa Pilipino. Mabuti pa raw ang mga Americans, dedma lang daw ang mga ito pag mali ang Ingles mo, pero ang kapwa-Pilipino, talaga raw iko-correct ka pa.

Agree naman dito si Kim.

Leave A Reply

Your email address will not be published.