Abante Tonite Interactive

Erik sinasabong sa ‘bagong dyowa’ ni Angeline

1,208

May bagong boylet na nali-link kay Angeline Quinto. Kinukwesyon tuloy ng mga netizen kung jowa na niya ang lalaking pinangalanan ng kanyang mga follower na si Chris Marcos Chan.

Ibinahagi kasi ni Angeline ang larawan nito sa kanyang Instagram. Nakasandal si Chris sa isang black and yellow chevrolet car habang nakatingin sa hawak niyang libro.

“Happy birthday. God Bless you,” caption ng singer sa larawan na may kasama pang kiss emoji.

Sey pa ng isang fan, matagal na umanong nali-link si Chris sa singer at nagsimula ito noon pang 2016.

Komento ng mga follower ni Quinto:

@marisolmarisol01, “Mas pogi c Erik Santos dyan. Wala cnabi yan.”

@susiebucol, “Solid ERICK.”

Samantala, nagkomento rin si Chris sa post ni Angeline para sa kanya. Aniya, “Thank you so much @loveangelinequinto. Made my day extra special.” (Rona Ronda)

Tonite – Wendys Inhouse Ad