Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erika nanganak sa ika-2 baby kay Cariaso

0 129

May bagong blessing sa pamilya ng dating PBA courtside reporter na si Erika Padilla at Alaska Aces head coach Jeffrey Cariaso.

Sa Instagram post ni ‘The Jet’, pinasulyap nito ang tinuturing niyang ‘best birthday gift’ na si baby Estella Gloria.

Ayon sa post ni Cariaso, iniluwal ang ikalawang baby nila ni Erika nitong Sabado, September 12, ganap na alas-2:02 ng madaling-araw.

Kakadiwang lang nina Erika at Jeffrey ng 3rd birthday ng kanilang panganay na si Jet limang araw na ang nakararaan. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.