Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ermat kinain ng anak, pinatikim sa aso

0 543

Karumal-dumal na krimen ang pinaratang sa isang 28-anyos na lalaki na iniimbestigahan sa pagkatay at pagkain diumano sa kanyang sariling ina.

Sa report ng The Sun, dinakip si Alberto Sanchez Gomez, isang waiter na kasalukuyang walang trabaho, sa tirahan nito sa Madrid, Spain noong February 2019.

Paliwanag ni Gomez, may mga naririnig umano siyang boses na sinabing patayin ang kanyang sariling ina na si Maria Soledad Gomez, 68-anyos.

Inamin ng anak na kinakain niya ang kanyang sariling ina, at pati ang kanilang aso ay pinapakagat din niya sa laman ni Maria.

Saad sa mga report, hinati umano ang katawan ni Maria sa higit 1,000 piraso kung saan nakita sa apartment ng pamilya ang mga tupperware na pinaglagyan ng mga buto at laman ng ina.

SM food to go Banner Ad

Depensa ni Alberto, wala siyang maalalang kinatay niya ang kanyang ina at sinabi pang narinig niya umano mula sa mga boses ng kapitbahay, kaibigan at mga artista na inudyukan siyang patayin ito.

Dahil dito’y nahaharap sa 15 taong pagkabilanggo si Alberto, at pinagbabayad ng 90,000 euro o P5.2M bilang danyos kapag napatunayang guilty sa homicide at brutal na pagtrato sa isang bangkay.

Sa mga sulat ni Alberto mula sa kulungan, sinabi nito na matagal na siyang may sakit at sumandig sa iligal na droga.

“I’d been hearing voices for a long time and having hallucinations. All this led me to the worst thing that’s happened in my life,” bahagi ng sulat ng suspek. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.