Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ermat ni Bea boto kay Dominic

0 338

NI: ARCHIE LIAO

Sa latest vlog ni Bea Alonzo, sumalang sa “jojowain o trotropahin challenge” ang ina niyang si Mary Anne Ranollo.

Ang nasabing q and a at mukbang challenge ay ginanap sa Beatifirma, ang farm niya sa Zambales.

Ayon sa mommy ni Bea, sobrang crush niya si Gabby Concepcion kaya naman type niya itong dyowain.

Sa kaso ni Bea, trotropahin niya sina Gabby Concepcion, Richard Gutierrez, Richard Gomez, Daniel Padilla, Derek Ramsay at Paulo Avelino.

Sa Hollywood actors, aminado si Bea na sobrang crush niya si Leonardo di Caprio na type niyang dyowain at pakasalan.

Feel din niyang dyowain sina Brad Pitt at Vin Diesel samantalang tropa level lang ang gusto niyang relasyon kay Tom Cruise.

Sa local actors,gusto naman niyang dyowain sina Alden Richards, Ian Veneracion, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Albert Martinez at Dominic Roque.

Maging si Mommy Mary Anne ay type dyowain si Dominic.

Dahil sa rebelasyong ito, nabunyag na boto pala ang ina ng aktres kay Dominic.

Sey pa ng netizens, hindi sila magtataka kung mag-fall si Bea kay Dominic lalo na’t may pag-amin sa movie queen na boyfie material ang Bench model at actor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.