Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ermat ni Bree Jonson kay Bobby Ongpin: Iharap mo si Julian kung walang kasalanan!

0 105

Pinalulutang ng ina ng namatay na artist na si Bree Jonson ang umano’y dyowa nitong si Julian Ongpin na huling kasama ng kanyang anak bago ito natagpuang patay na sa tinuluyang kuwarto ng dalawa sa isang resort sa La Union.

“If you are clean, you are not guilty of anything with the death of my daughter, then come out. Save my daughter,” pahayag ni Sally Jonson sa panayam sa telebisyon kahapon.

Hinimok din nito ang ama ni Julian, ang dating trade secretary at negosyanteng si Roberto Ongpin na iharap ang kanyang anak sa mga awtoridad kung wala talaga umano itong kasalanan sa pagkamatay ni Bree.

“Help your son. Bring him out. That’s the least that you can do to your son if you really love him,” sabi ng ginang.

Natagpuan ang 30-anyos na si Bree noong Setyembre 18 sa isang La Union resort kung saan nakakuha rin ang mga pulis ng cocaine sa loob ng kuwarto na tinuluyan nila ni Ongpin.

SM food to go Banner Ad

Sinampahan ng pulisya ng kaso si Julian matapos na magpositibo sa droga subalit pinalaya muna ito ng La Union Provincial Prosecutor’s Office.

Kinukuwestiyon ni Ginang Jonson kung paano inaasikaso ng mga pulis ang kaso ng kanyang anak dahil tila pinapanigan pa umano ang mga Ongpin. Mistulang nagsisilbi pa umanong mga tagapasalita ang mga ito.

“I was just so surprised with the PNP (Philippine National Police), every time they make their statements it always favors the Ongpins. It’s not really fair,” sabi ng ginang.

“To PNP, please be fair…It seems to me you are the legal counsel of the Ongpins,” dagdag niya.(Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.