Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ermat ni James binaboy!

0 261

Diretso sa labas ng stadium ang isang lalaki makaraang bastusin si National basketball Association (NBA) superstar LeBron James.

Sa labang pinananalunan ng Los Angeles Lakers kontra Cleveland Cavaliers, 115-108, sa Quiken Loans Arena sa Ohio nitong Martes (Manila time), isang fan ang nagtaas ng mga t-shirt kung saan sinabing ‘racist’ at ‘narcissist’ o masyadong mahal ni LeBron ang sarili.

Bukod pa rito, kung ano-ano pa ang sinisigaw ng lalaki at binastos pa ang ina ni LeBron na si Gloria James.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaagad na dinampot ang 49-anyos na lalaki sa Section 126, at nang lapitan ng mga pulis ay sinaktan pa ang mga guwardiya sa loob ng playing venue.

Sinubukan pa ng lalaki na pumasok sa stadium pero napigilan ng mga marshall.

Hindi naman inaresto ang naturang lalaki.(Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.