Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Stepfather ni Pia galit kay Sarah

0 294

Binasag na ng nanay ni Pia Wurtzbach na si Cheryl Alonzo Tyndall ang katahimikan at sinagot na niya ang mga akusasyon ng anak na si Sarah Wurtzbach.

Matatandaang lubhang naging kontrobersyal ang mga pasabog ni Sarah laban sa beauty queen sister at sa kanilang ina na talaga namang pinagpistahan sa mga dyaryo at social media.

Ilan sa pasabog ni Sarah ay nag-solicit daw ang kanyang ina ng pera in exchange of her, na-gang-rape umano siya at sinabihan pa siyang she deserved it.

Tinawag din ni Sarah na “animal” ang kanilang ina.

Sa kanyang YouTube vlog na may titulong “SAGOT NAMIN SA MGA AKUSASYON” kasama ni Cheryl ang asawang si Nigel Tyndall sa pagdepensa at pagtanggi sa mga naging pahayag ng anak.

Ayon kay Nigel ay galit na galit siya kung paano nagawa ng isang anak sa sariling ina ang ganitong bagay.

“We had sleepless nights and was greatly affected by it. I was angry, very angry as to how a daughter could slap her mother after all the things that we’ve done,” ani Nigel.

Kwento naman ni Cheryl, talagang binantayan niya ang kanyang mga anak habang lumalaki ang mga ito at never daw niyang magagawa sa anak niya ang ibinibintang sa kanya.

“Gagawin ko ba naman ‘yan sa mga anak ko? Hindi po, hindi po ako ganyang tao, hindi po ako ganyang ina. Huwag niyo po akong husgahan kasi talaga pong inalagaan ko iyong aking mga anak,” ani Cheryl.

Kwento niya ay napabarkada raw si Sarah noong nakatira pa sila sa Pinas at lumalabas kasama ang mga ito. Dumating pa raw sa puntong hinahanap niya ang anak sa gabi at kasama pa raw niya si Pia sa paghahanap.

Nang lumipat naman daw sila sa United Kingdom at doon na nga nag-aral si Sarah, doon lang daw niya nalaman na may pang-aabusong nangyari sa anak noong nasa Pinas pa sila. Ibinunyag daw ito ni Sarah sa principal ng school.

Ani Cheryl ay kinausap niya si Sarah at tinanong kung sino ang nang-abuso dahil wala raw siyang kaalam-alam pero hindi naman daw ito nagsalita.

Pero dahil nga nasa UK na sila that time ay ipinagpatuloy na lang daw nila ang buhay at nag-move-on na lang since hindi naman sila pwedeng umuwi ng Pinas para harapin pa ang mga taong nang-abuso kay Sarah.

Sa huli ay sinabi ni Cheryl na hindi naman daw siya naniniwalang kinamumuhian siya ni Sarah.

“I love my daughters. I don’t believe that she hates me so much. I know she loves me, I still believe that. I always think maybe it’s postpartum. I just want to believe that it’s just postpartum, harder than normal or worse than normal,” aniya.

Si Sarah at Pia ay anak ni Cheryl sa kanyang unang asawang German na namayapa na. Si Nigel naman ang nagdala raw sa kanila sa UK at nagpapasalamat siya rito na inalis sila sa Pinas at dinala sa nasabing bansa.

Maghapon pawisan: Sharon ‘di mabaho

Nagpa-good vibes si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram followers sa araw ng Lunes nang mag-post siya ng larawan niya in a swimsuit na isang pambihirang pagkakataon actually.

Sa larawan ay makikita silang tatlo ng mga anak niyang sina Frankie at Miel Pangilinan na nasa beach at pawang mga naka-bathing suit.

Sa caption ay proud si Shawie sa kanyang makinis na katawan at kahit nga raw pawisan siya buong maghapon ay mabango pa rin.

“(Seems like these were forever ago…) O ayan na. Kahit di pa payat, pumapayat naman. Isipin niyo na lang, ito: “Maputi sya (pwera ankles to feet ko kasi yun lang nasisinagan ng araw! Hahaha!), makinis, at kahit pawisan buong maghapon magdamag kahit walang pabango mabango siya talaga!” Eh totoo naman. Hahahaha!” simula ng caption ni Sharon.

Nagpasabog si Mega sa kanyang mga followers dahil aniya ay may bagyo naman daw at natuwa na umalis na si Rolly.

“Sabi ko nga sa unang post ko bago ko dinelete, “May bagyo naman, so gulatin ko na kayo. Tandaan nyo sabi sa Bible “Thou shalt not judge” ha! Puede matawa bawal umiyak at nega. Mega lang puede. Hahaha! Happy Monday, everyone! Thank you Jesus umalis ang bagyo!!! Salamat po safe kaming lahat!!!” pagbabahagi pa ni Shawie.

Nagkomento naman si Judy Ann Santos ng “hahahaa! Cute mo ate!!!”

Napuna rin ng mga tagahanga niya na pumayat na nga siya. Ang ibang netizens naman ay hinahanap ang panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Leave A Reply

Your email address will not be published.