Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ermat ni Sarah inuurot sa podcast ni Matteo

0 159

NI: ARCHIE LIAO

Natupad na rin ang pangarap ni Matteo Guidicelli na magkaroon ng sariling podcast.

Aniya, bagong larangan daw ang podcasting na gusto niyang i-explore.

Matt Runs daw ang title nito dahil alam daw naman ng nakararami na isa siyang athlete o triathlete na laging tumatakbo at aktibo pagdating sa sports.

Katunayan, enjoy nga raw siya sa pakikinig ng podcasts lalo ng comedian na si Joe Rogan na isa sa mga inspirasyon niya.

Bagamat hindi niya masabi kung ready na ang mga Pinoy sa ganitong format, naniniwala raw naman siya na malaki ang potensyal ng ganitong infotainment na abutin ang balana.

Sadya raw iniba niya ang format ng kanyang podcast dahil hindi raw ito magpopokus sa showbiz kundi sa iba pang larangan tulad ng sports, fitness, lifestyle, money business at iba pang tema.

Ang mga panauhin din daw niya ay mula sa simpleng tao hanggang sa mga tinitingalang personalidad sa kanilang mga larangan.

Sumatutal, gusto raw niyang kapulutan ng inspirasyon ang kanyang online show dahil naniniwala siyang bawat Pinoy ay may kuwentong maibabahaging kapupulutan ng aral.

Naging panauhin na niya rito ang TV sports journalist na sina Dyan Castillejo,at ang bagong AFP Chief of Staff na si Cirilito Sobejana na isang Medal of Valor awardee.

Ang huli ay naging close raw sa kanya noong mag-military training siya at maging army reservist.

Ilan pa sa gusto niyang maging panauhin sa programa niya ay sina Toni Gonzaga dahil bilib daw siya sa hosting skills nito at maging ang paring nag-officiate ng kasal nila ng wifey na si Sarah Geronimo.

Type din daw niyang i-guest ang kanyang kapatid na si Georgia dahil alam niyang marami itong maisi-share sa kanyang programa.

Sa comment section naman ng kanyang podcast, may ilang mahaderang inuurot siyang i-guest niya ang kanyang biyenang si Mommy Divine.

Kung nagkataon daw, sigurado raw na pag-uusapan, magge-generate ng milyon-milyong views at papatok ang kanyang podcast.

Matutuldukan na rin daw nito ang napapabalitang feud nila hanggang ngayon ng kanyang in-laws.

May nang-iintriga ring kung papayag si Mommy Divine, paano raw kaya ikekeri ni Matteo na i-break ang ice sa kanilang dalawa o malamang ba na to the rescue sa kanya ang wifey na si Sarah.

Leave A Reply

Your email address will not be published.