Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ermat pisak sa trak

0 164

Dedbol ang isang ina nang salpukin ang sinasakyan niyang motorsiklo ng isang pick-up truck sa national highway ng Purok 10, Mabini, Davao de Oro, Biyernes ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang ginang na kinilalang si Gemman Sobriano.

Kwento ng driver ng motorsiklo na si Arjie Masillones, nakaangkas sa kanya ang live-in partner at 1-taong gulang na anak nang mangyari ang aksidente.

Pakaliwa umano ang motorsiklo nang biglang salpukin ng pickup mula sa kabilang lane.

Itinakbo pa ang mag-pamilya sa Davao de Oro Provincial Hospital pero si Sobriano ay idineklarang patay dahil da tindi ng sugat sa ulo.

Nakaligtas sa kapahamakan si Masillones at kanilang anak habang tumakas ang nakabangga. (Kiko Cueto)

SM food to go Banner Ad

Samar No. 3 most wanted nalambat

Natimbog ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang no.3 most wanted sa Samar sa isinagawang operasyon kahapon ng umaga sa Pasig City.

Natunton nina P/ Lt. Arniel Buraga ng MPD-PS 10 ang suspek na si Marjone Pirante Y Sayago, alyas ” Totoy” , 21 tubong Bolosao, Lawaan,Eastern Samar at nanunuluyan sa Pasig Mega Market sa Caruncho Avenue,Pasig City alas- 9:00 ng umaga sa palengke.

Nabatid na humingi ng tulong ang mga tauhan ng PNP- PRO 8 ng Eastern Samar PPO sa MPD-PS10 bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Hon. Evelyn Rinos- Lesigues ,Presiding Judge ng Regional Trial Court, branch 42 ng Balinga, Eastern Samar dahil sa kasong panggagahasa.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na nakatakdang dalhin sa Samar.

Si Pirante ay sumibat ng Samar matapos sampahan ng kasong rape.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.