Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ermita police chief palpak sa Manila Bay sinibak

0 122

Pinasibak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año si Manila Police District-Station 5 commander

Lt. Col. Ariel Caramoan dahil sa kabiguan nitong ipatupad ang physical distancing nang buksan sa publiko ang bahagi ng Manila Bay na tinambakan ng `white sand’.

Sa nakarating na impormasyon mula sa MPD, pinalitan umano si Caramoan ni Lt. Col. Alex Daniel na nakatalaga sa MPD-Station 6.

“He will be relieved of his position today for failing to enforce the minimum health standard particularly the one meter distancing,” ayon kay Año.

Sinabi ni Año na kahapon [Sabado] pa dapat nagpatupad ng striktong hakbang para naiwasan ang pagdidikit ng mga taong gustong makita ang `white sand’ sa Manila Bay.

“Ang report sa akin ni Eleazar [Lt. Gen. Guillermo Eleazar ng Joint Task Force COVID Shield] na-relieve na kasi kanina pa namin `yan pinag-uusapan,” sabi pa ng kalihim.

Kaugnay nito, nabatid na inutos kahapon ng DILG na magtalaga ng dagdag na pulis para magbantay at magpatupad physical distancing sa Manila Bay. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.