Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eroplano bumagsak, student pilot tigok

0 280

Namatay ang isang student pilot mata­pos bumagsak ang kanyang trainer plane sa may dalampasigan na parte ng Caba, La Union kahapon ng tanghali (May 26).

Kinilala ang biktima na si Mark Irvin Sabile, 25-anyos na student pilot ng First Aviation Academy.

Ayon sa paunang report ng Philippine Coast Guard, maituturing na “total wreck” ang Tecnam P-2010 na nag-crash sa na­sabing karagatan, alas-11:30 ng umaga.

Si Sabile ay nagsasagawa ng solo coun­try cross-country flight nang maganap ang insidente. Ayon sa flight plan, ang flight ay nag-take off sa Iba Airport sa Zambales, tutungo sa La Union at Lingayen airport, at babalik sa Iba airport.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad na isinugod ang biktima sa Caba Municipal Health Office ngunit siya ay dead-on-the spot ayon sa attending physician.

Kasalukuyang nasa Mapanao Funeral Service sa Aringay, La Union ang kanyang labi.

“Deployed PCG personnel… assisted in the retrieving debris of the aircraft which sunk at approximately 300 meters away from the shoreline,” sabi ng PCG. (Otto Osorio/Kiko Cueto/Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.