Abante Tonite Interactive

Eroplano nagliyab sa NAIA, 8 todas

1,809

Kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) na nasawi ang walong sakay nang nasunog na West Wind 24 aircraft na papunta sana sa Haneda, Japan.

Nangyari ito sa Runway 24 habang pa-take off ang eroplano, alas-otso ng gabi.

Ang flight, na medical evacuation mission umano ay may sakay na dalawang pasahero, at anim na crew member.

Matapos ang insidente, agad na rumesponde ang MIAA Fire and Rescue team para kontrolin ang sunog sa pamamagitan ng chemical foam. Gayunman, walang pasahero ang naka-survive sa insidente.

Sinara na ang runway habang nag-iimbestiga ang Aircraft Accident Investigation Board of the Civil Aeronautics Authority of the Philippines para matukoy ang dahilan ng insidente. (Gel Manalo/Otto Osorio)

Tonite – Wendys Inhouse Ad