Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erpat, 24 taon hinanap dinukot na anak

0 51

Hindi sumuko ang isang erpat na Chinese sa paghahanap sa dinukot na anak sa pamamagitan ng pagbaybay sa 20 lalawigan gamit lamang ang motorbike hanggang sa muling magkatagpo matapos ang 24 taon.

Taong 1997 ay dinukot ang anak ni Mr Guo Gangtang ng dalawang sinasabing human traffickers sa harap ng kanilang tahanan sa Shandong province kung saan talamak ang ‘child abductions’ sa China.

Sa halos mahigit 2-dekadang walang tigil na paghahanap sa anak, maraming pinagdaanan ang ama gaya ng pagkabali ng mga buto dahil sa aksidente, nakaengkwentro rin siya ng mga holdaper at halos 10 motorbikes na niya ang nawasak.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Habang iniikot ang mga lalawigan sa China, may bitbit na banner si Mr. Gangtang ng larawan ng nawawalang anak. Natutulog din siya sa ilalim ng mga tulay at halos namamalimos na dahil sa pagkaubos ng pera.

Ayon sa China’s Ministry of Public Security, nakilala ang nawalang anak ni Gangtang sa pamamagitan ng DNA testing at nahuli ang mga dumukot dito.

Sa report, ibinenta ang anak ni Gangtang sa isang pamilya na katabi lamang na Henan province at doon na ito lumaki.

“Now that the child has been found, everything can only be happy from now on,” masayang pahayag ni Mr Gangtang na naging ‘prominent member’ ng ‘missing-persons organisations’ sa China. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.