Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erpat kinatay ng naburyong na anak

0 352

Dedo ang 59-anyos na ama makaraang pagsasaksakin ng kanyang anak na sinasabing mayroong sakit sa pag-iisip, sa Hermosa, Bataan.

Patay na nang matagpuan dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang nakilalang si Danilo Abraham, habang inaresto naman ng rumespondeng pulisya ang suspek na si Erwin Abraham, 25, anak ng biktima at sinasabing sumasailalim sa psychiatric medication.

Ayon kay Hermosa Municipal Police Station (MPS) chief of police Police Major Jeffrey Onde, Sabado na ng umaga nang matuklasan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Tipi ng nabatid na bayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tadtad ng saksak ang katawan ng biktima at ang itinuturong suspek ay ang mismong anak nito na si Erwin.

Teorya ng pulisya, posibleng inatake ng kanyang sakit ang suspek dahilan upang maging bayolente ito at tadtarin ng saksak ang sariling ama.

Nasa kostudiya ng pulisya ang suspek habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon kung ano ang naging motibo nito sa pagpatay sa sariling ama. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.