Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erpat na gumulpi sa anak niratrat

0 118

Yumao ang isang 49-anyos na lalaki mata­pos barilin ng isang miyembro ng CAFGU na tinangka umanong sugurin ng itak ng una, kamakalawa sa Sibuco, Zamboanga del Norte.

Dead on the spot da­hil sa tinamong dalawang tama ng bala sa katawan ang biktimang nakilalang si Danilo Bendanillo, 49-anyos, magsasaka, at residente ng Barangay Lintangan, Sibuco.

Samantala, kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang suspek na nakilalang si Gerry Del Rosario, 37, na kasapi ng CAFGU at residente ng Barangay Tangarak.

Sa ulat ng Police Re­gional Office 5, alas-8:00 ng gabi nang umuwing lasing ang biktima sa kanilang bahay at nag­karoon ng mainitang pagtatalo sa anak nitong babae na si Aderose.

SM food to go Banner Ad

Sa gitna ng pagtatalo, binugbog umano ng ama ang anak dahilan upang humingi ito ng tulong sa Special Civilian Ac­tive Auxiliary (SCAA) detachment sa Sitio Log Deck.

Rumesponde ang sus­pek sa bahay ng pamilya Bendanillo. Pinasuko niya si Danilo subalit hindi umano ito nakinig at kumuha pa umano ng itak. Sinugod ng magsasaka ang CAFGU kaya namaril ang huli at na­sawi ang nauna.

Isinuko ng kanyang opisyal ang suspek sa pulisya kung saan ito ngayon nakakulong. (Ed­win Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.