Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erpat na wanted sa rape nalambat

0 224

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District at Provincial Regional Office 10, ang isang tatay na wanted sa Cagayan de Oro City dahil sa panggagahasa sa menor de edad niyang anak kamakalawa ng madaling araw sa Balut, Tondo.

Nakatakdang iharap sa Cagayan de Oro Regional Trial Court Branch 19 sa sala ni Presiding Judge Evelyn Gamotin-Nery ang akusadong si Rommel, checker, at taga-Tondo, Maynila bago dalhin sa CDO City Jail.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Rommel ay naaresto alas-3:30 ng madaling-araw sa harapan ng kanyang bahay.

Nabatid na pinagsamantalahan umano nito ang 16-anyos na anak at nang mabuko ay tumakas at nagtago na sa Maynila. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.