Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erpat ng nililigawan, tinodas ng 17 anyos

0 91

Patay ang isang supervisor nang pagbabarilin ng 17-anyos na manliligaw ng kanyang anak.

Ayon sa NBC report, nahuli ng biktimang si Dezmon Hamilton, 34, ang tinedyer na si Nicholas Mcquirter na pumasok sa kanilang bahay sa pagdaan sa bintana sa Zachary, Baton Rouge, Louisiana, noong July 18.

Gumamit umano si Mcquirter ng hagdan upang makapasok sa bintana sa ikalawang palapag ng bahay para makita ang 14-anyos na anak ni Hamilton.

Isang kapitbahay ang nagsumbong kay Hamilton tungkol sa pagpasok ni Mcquirter sa bintana.

Nagtalo ang biktima at suspek na nauwi sa barilan. Sugatan si Mcquirter habang patay on the spot si Hamilton dahil sa ilang tama ng bala.

Sa ngayon ay nasa ospital ang binatilyo pero pagkalabas ay agad aarestuhin at kakasuhan sa juvenile court ng second-degree murder, illegal use of a firearm at possession of a stolen firearm.

Batay sa nalathalang obituary ni Hamilton, isa raw itong supervisor sa oil refinery na Exxon Lubrication-Port Allen. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.