Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erpat sinunog 2 anak

0 69

Sinunog ng isang lalaki ang kanyang dalawang anak na babae kasama maging ang mga apo nito sa Pakistan dahil ang pinakasalan ng isa sa mga babae ay hindi ayon sa arranged marriage.

Kinilala ang suspek na si Manzoor Hussain.

Ayon sa isang ulat ng The Sun, ang mga sinunog ni Manzoor ay ang dalawang anak na sina Khurshid Mai, 35-anyos, at Fauzia Bibi, 19, na magkasamang nakatira sa iisang bahay kasama ang kanilang mga sariling pamilya.

Nag-ugat umano ang galit ni Manzoor kay Fauzia 18 buwan na ang nakararaan nang magpakasal ito kay Mehboob Ahmad nang hindi dumaan sa arranged marriage. Nagpakasal umano sina Fauzia at Mehboob dahil sa kanilang pagmamahalan.

Bukod sa dalawang babae, nasawi rin sa sunog ang apat na taong gulang na anak nina Fauzia at Mehboob. Patay din ang tatlong anak ni Khurshid na edad 13, anim, at dalawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang isa pang namatay ay pinaniniwalaang kapatid ni Manzoor.

Samantala, si Mehboob ay ligtas sapagkat wala siya sa kanilang tahanan nang mangyari ang krimen.

Ayon sa datos ng Human Rights Watch noong 2019, nasa 1,000 ang mga ‘honor killing’ na nagaganap sa Pakistan kada taon.

Ang honor killings, gaya ng ginawa ni Manzoor, ay ang aksiyon laban sa mga babae na ‘nagdala ng kahihiyan’ sa kanilang pamilya. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.