Abante Tonite Interactive

Erpat tinaga ng katomang anak

314

Nauwi sa malagim na insidente ang pag-iinuman ng mag-ama nang pagtatagain ng anak, na nagsi-celebrate ng kanyang birthday ang kanyang erpat sa Purok Kulo, Barangay Bulanon sa Sagay City.

Kinilala sa report ang biktimang si Victor Relos, 65, na nasugatan matapos itong tagain nang nalasing na anak na si Bernardo, nasa hustong gulang.

Sa nakalap na report, Lunes ng hapon nang mag-inuman ang mag-amang Victor at Bernardo dahil na rin sa ipinagdiriwang ng batang Relos ang kanyang kaarawan.

Nang malasing ang anak ay sinasabing nag-away na ang mag-ama na humantong pana­naga ng suspek sa kanyang tatay.

Matapos ang insidente ay maagap din namang nadakip si Bernardo na nahaharap ngayon sa kasong frustrated parricide.