Abante Tonite Interactive

Erpat todas sa suntok ng anak

By
811

Nasawi ang isang 63-anyos na ama makaraang mawalan ng balanse at nabagok ang ulo nang suntukin ng kanyang anak na lasing matapos ang mainitang pagtatalo sa Brgy. Binagbag, Angat, Bulacan kamakalawa nang gabi.

Base sa report ni Chief Inspector Isagani Santos, hepe ng Angat Police Station, nagawa pang maisugod sa Norzagaray Hospital ang biktimang Imidio Ignacio y Paulino pero idineklara itong dead-on-arrival dahil sa matinding pinsala na tinamo sa kanyang ulo.

Naaresto ng mga rumespondeng awtoridad ang suspek na si Bryan Ignacio y Placido, 30-anyos, at nakakulong na ngayon pero nabatid na wala umanong plano ang kanilang pamilya na ituloy ang pagsasampa ng kasong parricide matapos na magsuguran ang mga ito sa himpilan ng pulisya.

Abante Hiring – IT dep

Bandang alas-nuwebe nang gabi nang maganap ang insidente makaraang makipagtalo ang lasing na si Bryan sa kanyang ama.

Nauwi sa suntukan ang pagtatalo ng mag-ama hanggang sa mawalan ng balanse ang biktima kaya bumagsak ito at nabagok ang ulo.