Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Erram, 2 pa lagot kay Marcial

0 261

Tatlong araw pa lang ang lumilipas sapul nang reopening 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 elims bubble, pero may tatlong manlalaro na agad ang ipinatawag ng Office of the Commissoner para sa posibilidad na kaparusahan makaraang mapatalsik sa kanilang unang laro.

Sila ay sina John Paul ‘Poy’ Erram ng TNT, Joseph Ronald ‘JR’ Quiñahan ng NLEX, at John Rodney Brondial ng Alaska Milk na mga nasangkot sa mga maiinit na tagpo at ipinatawag para makapagpaliwanag kay Commissioner Willie Marcial.

“May corresponding penalty agad ang ginawa nila, pero titingnan pa natin iyung report ng technical,” paliwanag ni Marcial Martes sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast na mga hatid ng San Miguel Beer, Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at PAGCOR, kasama ang Upstream Media bilang official webcast partner at pinalakas ng Smart.

Na-ejected si Erram sa technical foul makaraan ang flagrant foul penalty 1 sa laro kontra Aces. Gayundin si Quinahan sa laban ng Road Warriors kontra Barangay Ginebra San Miguel. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.